Para sa aming kaibigan at kapwa mamamayan ng Heneral Santos
Isang mainit at madilim na araw sa inyong lahat!
Bunsod ng krisis sa enerhiya ng lungsod, ang ILAW PARA SA GENSAN MOVEMENT ay isinulong at inilunsad ng mga ordinaryong mamayan at maliliit na negosyante ng lungsod.
Ang patuloy na brownout na 'to ay nakakaapekto di lamang sa mga negosyo, paaralan, hospital pribado at pampublikong opisina at iba pang mga establisimento kundi higit sa lahat sa mga tahanan rin. Ito ay hindi lamang nakakaapekto sa mga may edad kundi sa mga kabataan rin. Ito ay hindi lamang nakakaapekto sa sa mga nasa pribadong sektor kundi sa mga nasa pampublikong sektor din. Ito ay usapin ng bawat mamamayan ng Lungsod ng Heneral Santos.
Ang ILAW PARA SA GENSAN MOVEMENT ay hindi isang pulitikal o isang relihiyosong kilusan manapay isang hakbang ng mga ordinaryong mamamayan.
Ang ILAW PARA SA GENSAN MOVEMENT ay isang kilusang naglalayong makatulong upang ibalik ang sapat, maayos at may tamang halaga ng serbisyo ng kuryente sa buong lungsod ng Heneral Santos sa paraang pagpapakalap at paghahatid ng impormasyon, mapagmatyag at hindi marahas tulad ng mga sumusunod:
- Pagpapakalap at paghahatid ng impormasyon tungkol sa isyu sa pamamagitan ng telepono, cellphone, internet, telebisyon, pahayagan at radyo;
- Pakikipagdayalogo sa SOCOTECO II at kung kinakailangan sa pamahalaan para sa ikalilinaw ng sitwasyon;
- Patuloy na pagmamatyag sa mga kaganapang may kinalaman sa serbisyo ng kuryente;
- Pagkakalap ng mga pirma ng mga mamamayan na may hinaing tungkol sa isyu.
Mga kapwa mamamayan ng Lungsod Heneral Santos, nilalayong matugunan ng mga aktibidades ng movement ang mga katanungan hinggil sa sumusunod:
- Malaman ang totoong sitwasyon ng krisis sa enerhiya, kung gaano kalala ito at kung hanggang kailan ito.
- Ang mga hakbangin na ginawa, ginagawa at gagawin ng SOCOTECO II upang masulusyunan ito.
- Ang basehan ng pagtataas ng presyo ng kuryente.
Magiging posible ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagsuporta at pakiki-isa sa mga aktibidades ng movement na ito.
Tinatawagan namin ng pansin ang lahat ng mamamayan ng lungsod na makiisa sa adhikain na ito.
Maraming Salamat po.
ILAW PARA SA GENSAN!!! Ito ang ating hinaing...
May pag-asa pa ba? Yan ang katanungang nais naming matugunan sa lalong madaling panahon.
ILAW PARA SA GENSAN MOVEMENT
Headquarters: RD Building, Santiago Blvd. corner Cagampang St., General Santos City
Email address: ilawparasagensan@yahoo.com
Website: www.ilaw.co.nr
Tel. Nos.: (083) 826-9278/ (083) 826- 1019
SAMA-SAMA TAYO, SUPORTAHAN ANG KILUSANG ITO- CLICK HERE.
Post a Comment
Comments Here